Ilang buwan na rin pala akong ganito. Ilang beses na akong nag-iisip ng mga walang kakwenta-kwentang bagay. Mga bagay na dapat ko na lang itago at huwag ng sabihin pa. Ngayon ay nagsusulat ako ng isang blog post pero sadyang blanko ang aking pag-iisip at wala akong maisulat kundi ang mga wala kong kakwenta-kwentang naiisip ngayon pero ‘to pa rin ako nagsusulat/nagta-type ng isa na namang walang kwentang blog post. Siguro nga may mga bagay na kailangang itago at kimkimin na lang at mga bagay na kahit anong plano ang gawin mo kung nakatakdang pumalpak ay papalpak. Hindi ko maipahiwatig ang aking gustong sabihin sa mga sandaling ‘to ngunit nangangahas pa rin akong sumulat sapagkat ‘to lang ang aking tanging paraan para masabi ko ang aking tunay na nararamdaman pero wala pa rin akong masabing matino sa mga sandaling ‘to. Kung iniisip mong wala lang akong magawa kaya ‘to ko at nagta-type ng walang kakwenta-kwentang blog post dito ay nagkakamali ka dahil pinagta-type ako ng aking tatay ng isang 50pages na report niya pero oo, nag-aaksaya lang ako ng oras dahil dapat nagta-type na lang ako ng pinapagawa sa aking pero sa halip ay gumagawa ako nito at ikaw naman na bumabasa ay unti-unti nang naiirita sa mga sinasabi ko. Siguro kaya ako gumagawa nito dahil frustrated, malungkot, puyat, at kung ano-ano pang kagag*hang nasa katawan ko ngayon pero higit sa lahat kaya ako gumagawa nito ay dahil wala lang at sadyang loko-loko lang ako at para lang may mailagay ako sa blog ko dahil halos isang buwan ko ng hindi naia-update ‘to… Kaya ngayon ay kailangan ko ng tapusin ‘to — baka kasi ngayon ay nagsisisi ka dahil binasa mo pa ‘to… Kaya bago pa ako batuhin ng bulok na kamatis (ung tipong may uod-uod pa), buhusan ng tubig galing sa imbornal ay magpapaalam na ko pero hindi ibig sabihin ay ititigil ko na rin ang pagsusulat ng ganitong mga walang kakwenta-kwentang blog post — problema mo na yun pagbinasa mo pa rin ang susunod kong mga blog