Babala: Huwag gumamit ng toothpick sa pagpatay sa tulad kong loko-loko… Ipinapayo na lang na manahimik at pigilan ang sarili — ano mang mabasa mo dito ay pawang makatotohanan at ipinagbabawal na saktan o pagtangkaan ang nagsulat nito dahil sa kasalanan mo rin dahil binalaan ka ng huwag basahin ang susunod niyang isusulat dahil maiinis ka lang sa mga mababasa mo…

‘to na naman ako — nagbabalik para pasakitin na naman ang inyong ulo sa pagbasa nitong blog ko. Malamang ngayon pa lang ay nagdadalawang isip ka na basahin ‘to dahil nung huli mong binasa ung post kong walang kakwenta-kwenta at resulta lang ng aking malikot na imahinasyon pero mas maganda yatang sabihin naging resulta ng aking umaapaw na kalokohan sa katawan. Kaya ‘to na naman ako, walang patawad dahil na naman ay pasasakitin ko ang ulo mo sa walang kakwenta-kwenta kong mga sasabihin — hindi lang pala ulo ang pasasakitin ko sa’yo ngayon kundi pati ang iyong mga mata dahil basa ka lang ng basa sa walang kakwenta-kwentang nakasulat dito… Buti naman sa mga sandaling ‘to ay wala pa namang bumabato sa akin nang bulok na kamatis (batuhin na nila ako ng kamatis na bulok wag lang sanang may mga uod na kasama) at wala pa rin namang bumuhos ng tubig na galing sa imbornal sa akin (ang mas masakit sa bangs pag ang ibinuhos sa akin na tubig ay galing sa poso-negro), kung iniisip mong mahaba-haba na pasensya mo dahil napagtiyagaan mo na namang basahin ang wala kong kwentang mga sinusulat, nagkakamali ka, mahaba pa ‘to dahil nag-uuumpisa pa lang ako… Malamang sa nahihilo ka na mga binabasa mo ngayon dahil paiba-iba ang topic na sinasabi ko dito, kung mahilig kang mag-comment (ung tipong negative) at gusto mong ipa-ban ang account ko na ‘to dahil sa walang kakwenta-kwenta kong mga sinusulat, eto lang ang masasabi ko sa’yo (inggit lang yan, hindi ka mag-tumbling, trip ko ‘to e, walang basagan ng trip sa buhay — kung gusto mo mag-trip ka rin para hindi ka naiinggit), malamang sa naliligaw ka na sa mga sandaling madilim at magulo ang mundo pero minsan maganda rin na minsan sa buhay natin ay naliligaw tayo nang landas dahil sa panahong un ay mas makikilala mo ang sarili mo, matututo ka sa pagkakamaling nagawa mo at makikita mo ang sarili mo na nagbago ka(sa positibong paraan) pero huwag mong hayaang maging hadlang sayo ang pagkaligaw mo at manatiling nakabaon ka sa sitwasyong ‘yon at huwag mong sisihin ang mga taong nakapaligid sa’yo kaya ka nagkaganyan dahil kagagawan mo rin kaya ka naligaw ng landas, at huwag kang magpatalo sa takot mong hindi ka na muli makakapunta sa tamang daan — ikaw na mismo ang gumawa nang paraan para makabangon ka sa putik na binagsakan mo at gawin mong sandalan ang mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa’yo. Pag nasa tamang landas ka na ay huwag mong gawing sagabal sa’yo ang nakaraan at ang mga taong gusto kang lang ibagsak. Lumingon ka sa nakaraan pero wag ka ng bumalik pa. Pero ang pinaka importante talaga ay lumingon ka sa kaliwa at sa kanan pag tatawid ka sa kalsada para hindi ka maaksidente… Dapat ko na sigurong tapusin ang kalokohang ‘to dahil hating gabi na pero ‘to pa rin ako, at mulat na mulat pa ang aking mga mata at nagsusulat ng puro kalokohan dito — inuulit ko sa inyo kasalanan niyo dahil binasa ninyo ‘to sa halip na nag-a-accept na lang kayo ng comments, kaya sana naman huwag ninyo kong padalan ng death threat dahil mahal ko pa naman kahit papano ang buhay ko (kung magpapadala naman kayo dahil gusto niyo ng itigil ko ang pag-update ko sa blog ko ay pwede bang ‘wag ninyong padala through e-mails or message dito, padala niyo na lang sa akin na sulat kamay at kung pwede isulat niyo ng malinis at walang bura baka kasi mapagkamalan ko lang na prank jokes un).

P.S. :problema niyo na nga lang kung paano niyo makukuha ung address ng bahay namin…— haha

One Response to “Ang Pagpapatuloy: Walang Kakwenta-Kwentang Blog”

  1. Hyphen Says:

    Wahehe pare astig…. ganun sana. join ka sa yahoogroups namen sa PBS. magsend ka lang sa email ad na pinoyblogosphere-subscribe@yahoogroups.com

    Thanks sa link!


Leave a Reply