I’m back… Matagal-tagal ko rin pa lang hindi nai-update itong blog ko. Sa ngayon ay may ibabahagi ako sa inyo tungkol sa mga naiisip ko nitong nakakaraang araw. Nag-umpisa ito nung Big Night ng PBB(malamang o kahit papaano ay alam niyo naman siguro kung anong un pero kung hindi mo alam ang ibig sabihin non ay ipagtanong mo na lang…), pagkatapos nung palabas at nalaman na ung Big Winner ay bigla akong napaisip… (hindi ko alam kung bakit tinatawag na Big Winner ung nananalo sa pagboto ng mga tao —  BIG WINNER dahil kaya big ang napanalunan niya? Dahil kaya nagpakatotoo sila kaya sila binoto ng mga tao o dahil gwapo/maganda sila? O baka kaya gumawa ng ganitong programa ay para matustusan nila ang kanilang sarili para makaahon sa pagtaas ng presyo ng bigas?). Ano kaya ang susunod na edition nila kasi parang nauubusan na sila ng idea kung anong papatok, baka sakaling pagnaubusan na sila ay tanggapin nila ang suggestion ko na PBB Senior Citizen Edition — ang mga requirements dapat 90-200yrs old, kayang magbuhat ng 300lbs ng barbell, at kayang tumagal sa ilalim ng tubig na hindi bababa sa isang oras.

 

Pero papaano kung biglang nagkaroon ng kakaibang edition at sumali ung may mga supernatural powers, immortals at fictional characters kasama ng mga ordinaryong tao? E paano kung isang araw ay uminom ng Coke ung anghel at demonyo para sumali sa PBB? Paano kaya nila ise-settle ung conflict sa bahay ni kuya? Paano kung ang nakasama sa Big 4 ay ung anghel, demonyo, joker at isang serial killer?

 

Sino kaya sa tingin mo ang karapat-dapat na manalo? Pagbabatayan mo kaya ung pagpapakatotoo nila? Gusto mo bang manalo ung joker na hindi siniseryoso ang buhay at lahat ng task na binibigay ni kuya? O gusto mong manalo ung anghel na hindi nagpapakatotoo sa sarili at natatakot sumubok ng iba, at nagpapaka-showbiz lang? O ung demonyo na hindi natatakot gumawa ng mali o ung serial killer na sa lahat, siya ang pinaka nagpakatotoo — dahil pinatay niya lahat ng housemate niya (kaya natira ung anghel at ung demonyo kasi hindi sila kayang patayin nang serial killer, at kaya naman nakaligtas sa massacre ung joker kasi magaling siyang magtago).

 

Ang hihiranging Big Winner sa edisyong ito ay mananalo ng isang sakong Kropik at isang taong supply ng butong pakwan. Kung gusto mong manalo ung pam-bato mo ay maaring sundin lang ang direction ng pagboto through SMSBB(space)JOKER and send to 666 kung gustong mong ang joker ang manalo, BB(space)ANGHEL and send to 666 kung sa tingin mo na siya ang nararapat makakamit ng malaking papremyong nakalaan, BB(space)DEMONYO and send to 666 kung sa tingin mo ay siya ang nararapat, BB(space)KILLER and send to 666 kung sa tingin mo siya sa tunay na nagpakatotoo sa sarili… (2soul/1vote)

 

Pero ano nga ba talaga ang mas maganda, ung nagpapakatotoo sa sarili kahit na alam mong mali ka o ung bumangon pagkatapos mong bumagsak, gumawa ng paraan para maging maayos ang buhay at i-improve ang sarili sa tamang paraan o ang manalo sa lotto, o baka naman magkaroon ng bf/gf na parang si Pacquiao kung manuntok???

One Response to “Kalokohan sa Gitna ng Kagag*han”

  1. Richmond Says:

    Sa Poland yung oldest Big Brother housemate… 78 years old.


Leave a Reply