Bakit may mga professor na hindi mo maituturing na isang “mentor” o kahit na isang guro? Bakit may mga guro pa rin na ang tanging alam lang ay ang magkwento tungkol sa buhay nila at magpa-research kung may tanong na hindi nila alam ang sagot o ang magturo ng hindi naman nila alam ang itinuturo at higit sa lahat ay ang mga gurong madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung pumasok at mas mabilis pa sa alas-kwarto kung oras na ng sweldo? Bakit natatanggap ang mga ganito samantalang mas maraming karapat-dapat tumuntong sa posisyon nila? Porke ba nakakuha sila ng masteral degree o di kaya nagkaroon sila ng PhD sa pangalan nila? Saan nga ba nasusukat ang kagalingan ng isang guro, sa mga karangalan ba nilang nakamtan o sa dedikasyon nila para maimulat sa kanilang mga estudyante ang katotohanan? Kaya ba hanggang sa ngayon ay bumababa ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa dahil sa mga mapagsamantalang kawatan at sa katulad ng mga gurong ito?

Isang nakakatamad na tanghali noon ng bigla kong maisip ang isang tanong na hanggang sa mga sandali ito ay gumugulo sa aking kaisipan. Isang tanong na tunay kayang nangyayari o isa lang kathang isip ng mga taong kulang lang sa paligo. Hindi ko kinukwesyon kung sino o ano ang tama, o kung ano ang dapat paniwalaan, ang sa akin lang ay kung ano ang nasa isip ng mga taong ito kaya nila naisip o nasabi ito. Kaya kung may maibabahagi ka sa aking katanungan ay maaari kang magkomento dito. 

Naniniwala ba kayo sa kabilang buhay o kung may naghihintay sa atin pagkatapos nating mamatay? Sa langit o sa kabilang buhay kaya ay nagkakatuluyan pa rin ang mga namatay, dating mag-asawa o ung mga nagmamahalan? E paano ung mga taong nag-asawa ulit, sino ang makakatuluyan nila sa kabilang buhay, ung una ba o ung pangalawa o baka naman ung latest na kabit niya?

Ang sabi ng ilan ang makakatuluyan mo daw sa kabilang buhay ay ung tunay mong mahal pero paano kung ung tunay mong mahal ay may mahal na iba, ang ibig bang sabihin nun ay magkakaroon ng komplikasyon?  Meron namang naniniwalang mawawala ang ating alaala, magiging bagong tao tayo pagpunta daw natin sa kabilang buhay pero taliwas naman ito sa mga paniniwala ng iba? Totoo kaya ang kasabihang “Love Conquers All” o “True Love Waits” kahit hanggang sa kabilang buhay?

Kung ako tatanungin ninyo…  Abay ewan ko ah, kaya nga ako nagtatanong e kasi hindi pa ko napupunta dun e…